hubby and my brother are soooo addicted to god of war 2. they just finished the first one and I'm telling ya it aint funny anymore. there are times my hubby can't sleep anymore because of playing the game. ack, I'm not fond of playing video games. eversince I got married I somehow departed with my other half who was once a video game addict. =P natutuwa ako kagabi, nakachat ko si sis Lin at si sis Valerie, ang saya saya! kahit sa sandaling panahon lang masaya pa rin. sana sa uulitin!
bakit kaya ganun ano, kung sino pa mga online friends mo sila pa talaga ang mas concern sayo. mga friends ko sa malayo, bihira ko na lang sila makausap. namimiss ko na sila sobra. yung bestfriend ko naman, na hindi ko na masasabing bestfriend talaga eh wala nakong balita sa kanya. di na sumasagot sa email ko, dinelete na nya yung friendster nya, hindi na rin sumasagot sa mga letters ko. ano bang ginawa ko? anong ginawa ko sa kanya para ganituhin nya ako. last na nabalitaan ko eh umuwi ng pinas from Korea kasama ang anak nya, tapos kung sino sino ang mga nagiging bf nya sa Olongapo, which is hindi ko pinaniwalaan. I was waiting for an answer pero yung huling email nya sakin eh namimiss na raw nya ako at sorry daw dahil busy daw sya. nag aaral daw sya, "kuno". narinig ko na yan eh. pero huminto rin ulit. di ko alam bakit bigla syang nag bago? wag nyang sasabihing ako ang nagbago dahil simulat sapul sinabihan ko na sya na kilalanin mabuti mga lalaking kinakasama nya. she wouldn't listen. I treated her not only my bestfriend but a sister as well. siguro dahilan sa nakita ko na ang lalaking magpapasaya sa akin kaya umiiwas na sya akin. basta ang akin lang bakit mo kelangan sirain ang friendship natin sa walang kwentang bagay? buti pa yung mga tropa ko na hindi ko gaanu nakasama sa mga galaan namin noon hanggang ngayon nariyan pa rin sila panay email lang ang aming tulay, buti pa sila, nakakaalala...
naaalala ko rin noong buntis pa ako pinuntahan nya ako one day sinabi sakin yung problema nya, baka daw buntis sya kung pwede raw umutang, so pinautang ko naman. hindi ko sya siningil kasi wala naman syang trabaho noon eh, parang yung isa ko ring friend sa college na pinasukan ko, panay ang dalaw sa akin one day naglakas loob rin umutang buntis daw sya hindi sya sure, kaya ayun pinautang ko. bakit ganun, anong nangyari sa kanila? lalo na doon sa huling friend na kaclose ko pa mandin sobra nawala bigla?! for me, wala naman sa akin yung perang yun, all I ask is for their friendship, maging loyal lang naman sila sa akin. may isa akong kasamahan sa work, koreana sya, mahilig manlibre, pero pangit ang ugali nya, kasundo ko naman. ang pangit lang is yung mga co-workers ko eh niloloko lang sya. =( so akala nya nabibili nya yung friendship nila, para sa akin hindi mo pwedeng daanin lahat sa materyal na bagay para lang magkaroon ka ng kaibigan. naiipit ako palagi pag nag aaway away sila. kasi nagkakaron ng sumbatan. kaya pag inaalok ako ng kape or kahit anu nung ibang co-workers ko, simpleng no thank you lang ako. kaya ayan naman, wala silang masabi sa akin. ayoko ng may kaaway. sa totoo lang. lahat ng tao sa amin, kasundo ko gaya nung sabi ni Valerie nakakasundo nya pati mga masusungit, tama yun ako ren ganun, bilib nga sila sa akin na tetake ko daw yung kasungitan ng mga kasamahan ko, it's just so funny talaga. I love making friends. I don't judge people on how they look or if they're rich or not. basta kaibigan kang totoo at may puso, friends tayo!
I don't bite. if you want to be my friend or you just wanna say something nice EMAIL ME I'm a nice person if you'll just get to know me. thank you all for visiting my blog, I guess I gotta get some shut eye, it's 10:45 pm and I need to get my sleep na. take care!!
got friendster?
pictures and videos
friends tayo! (tagalog post ahead)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
7 comments:
well, talagang ganoon. Napakahirap i-please nang tao. Napakasakit nang niiwan ka nalang bigla sa ere nang walang ano2. Nakakasira nang loob dahil, iisipin natin that what's wrong with me ba? Is it me or them? Hay.. Basta Kit, stick tayo doon sa mga tunay na concern at nagmamahal sa atin. Pano ingats palagi. And God bless!
sis same tayo.. pero masasabi ko medyo lucky ako sa'yo kasi alam kong busy lang mga bestfriends ko.. pero alam mo ba nawalan na ako ng isang bestfriend para lang ipagpalit ako sa partner nyang tomboy.. nakakainis lang isipin na people change.. pero ako kahit kelan d naman ako nagbago for them.. you know, gusto ko tlg madaming friends.. kaya nga thankful ako kasi isa ka sa mga naging tulay ko para makilala ko ang collest and the bestest people sa mundo ng blogging.. ahehehe.. and for that, i love you.. pramis yan, at sincere ako ever kapag sinasabi ko na love ko kayo.. naks.. ;) pasensya ha masyadong mahaba.. muaahhhh :x
coolest I mean ahehehe sorry.. wrong spelling...
Hahaha, boys nga naman. Alam mo ganyan din si Al ginagabi minsan inuumaga pa sa paglalaro nang video games. Hinahayaan ko na lang kasi kesa naman sa lumabas at mag inom di bah? Kaya hayaan mo na lang. Tagal tagal ko ding hindi nakakadaan dito. Hindi na ka rin nagbablog sa multiply ah. Oh sya ingatz kayo lagi nang family mo ha! =D
oo nga naman i can tell ur such a nice friend sis. ang sakit nga pag kaibigan ka lang kapag may maiibigay ka. i'm finding that out sa mga naging friends ko nung high school. it hurts kac tinuring ko talaga clang friends at special more than my own family. pero lately, nalaman ko ndi pala. let's move on with our lives nalang. ako naman eh talagang maldita but i can say back in high school i'm such a loser di man lang makadefend sa sarili ko. i hated that. now that i can defend myself ayaw na sa akin ng mga tinuring kong friends. hay, so sad talaga. pero bahala cla sa buhay nila. kung san sila masaya eh di dun sila. wish them the best nalang. cge ingat ka jan. kisses to Nathan.
kapatid i misyu sobra.. di na nasundan ang ating yahoo nila lin nhu? busy busy kasi.. anyhow maganda ata yang game na yan kasi madaming nagkakagusto dyan.
apir tayo kapatid kasi sweet tayo by nature kaya kahit ang mga masusungit nakaka get along natin.. ewan ko nga rin ba kung bakit.. talagang fun-loving lang siguro tayo.. sabi nga ng boss ko "its in the personality and professionalism.." miss you sweetheart. love you!
i love god of war! natapos ko nga agad yung part 2 in 2days eh! haha! sa sobrang pagka-adik ko nde nako nakakaidlip pag tanghali! haha!
Post a Comment