Showing posts with label LP. Show all posts
Showing posts with label LP. Show all posts

Litratong pinoy # 2... Aking Kompyuter






Eto ang aking pinakamamahal na kaibigan, regalo sa akin yan ng mahal kong asawa para naman daw hindi ko na gamitin yung isang kompyuter sa labas ng kwarto na nabili naman nya para sa akin noong 2004 naman mula sa Dell dahil nga ilan kami ang gumagamit ng kompyuter kaya niregaluhan nya ako nitong laptop. binili nya sa akin yan noong Hunyo 16, 2007. nakuha namin yan dahil may rebate kaso nagsara yung kumpanya na pinagbilhan namin eh hindi na binalik yung pera namin. para sa akin, wala na ako pakialam, mahal na mahal ko ito dahil eto ginagamit ko para sa mga ginagawa ko araw araw. siguro matagal tagal ko rin gagamitin to, ayoko na nga palitan eh.

This is my loving friend, a gift from my loving husband so I wouldn't have to use the other computer outside the room which he bought me back in 2004 from Dell because there's a lot of us who are using the computer so he gave me this as a gift last June 16, 2007. We got that because it had a rebate but since the company that we bought it from closed so they didn't really gave our money back. but for me, I really don't care anymore, I really love this because I always use this for all the stuff I do everyday. Maybe I'll be using this for a long time, I don't even want to change it anymore.

Litratong pinoy # 1... Puti at Itim





Ngayon lang ako nakisali sa Litratong Pinoy, para kasing nakakaengganyo maghanap ng litrato na aayon sa tema ng bawat linggo at hindi lang yun marami ka rin makikilalang mga pinoy na magagaling kumuha ng litrato. Puti at itim, naisip ko ano nga ba ang pwede ko gamitin para sa tema na ito? napatingin ako sa kama namin, doon ko nakita yung tatak na ala zebra na comforter na pasalubong ng aking hipag galing Korea noong marso. mahilig ako sa comforter kaya ilang buwan na nakatago yan eh inisip ko rin na gamitin dahil sobrang lamig dito sa gabi, kami kasi ng asawa ko baligtad kami! pag naiinitan ako nilalamig sya, pag ako naman ang nilalamig eh sya naman itong naiinitan, nakataas lahat ang mode ng electric fan at air con, eto lang gamit ko sa gabi ok na ako dahil masarap talaga ang tulog ko gamit itong comforter, sobrang lambot at kumportable sa gabi.

It's my first time joining Litratong Pinoy, It's like I'm very enticed to look for certain photos that goes with each weeks theme and not only that you can also meet a lot of pinoys that are great taking pictures. White and black, I thought about what I can use for this weeks theme? I looked on the bed, there I saw the zebra printed comforter from my sister-in-law, a gift from them last March. I enjoy comforters very much so after a few months being hidden away I finally used it because at night it's very cold here, well, for me and my husband, we're the opposites! If I'm feling hot, he is feeling cold, and when I am feeling cold he's the one feeling hot, everything is on their high modes like the electric fans and the air con, this is the only one I use at night and I feel much better. because I sleep good using this comforter and it's very comfortable at night.